Hindi pa inirerekumenda ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagpapaturok ng booster shot bilang karagdagang panlaban sa COVID-19.
Ayon kay DOH Spokesman at Health USec. Ma. Rosario Vergeire, wala pang malinaw na pag-aaral ang mga eksperto kung may pangangailangan para sa booster shot para sa mga nakabuo na ng dalawang dose ng anti COVID vaccine.
Mas mainam aniyang hintayin na muna ang lahat ng mga ilalabas na ebidensya at pag-aaral ng mga eksperto ukol dito bago sila gumawa ng kaukulang hakbang lalo’t buhay at kaligtasan ng publiko ang nakataya.
Sa ngayon kasi ani Vergeire, hindi rin sapat ang mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa lalo pa’t kinakapos na ang suplay nito sa maraming lugar sa bansa.