Kinontra ng Philippine Genome Center ang pahayag ng OCTA research group na kakayanin na ng Metro Manila na labanan ang Delta variant ng COVID-19 sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Phil. Genome Center Exec/Dir. Cynthia Saloma, walang saysay ang dami ng mga nabakunahan na kontra sa nakamamatay na virus kung hindi pa rin susunod ang publiko sa health safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagpapanatili sa physical distancing.
Gayunman, nilinaw ni Saloma na ang pagbabakuna pa rin ang isa sa mga pinakamabisang panlaban sa virus kaya’t kinakailangang samantalahin pa rin ng publiko ang alok ng pamahalaan sa libreng bakuna.
Magugunitang ipinagmalaki ni OCTA research group fellow Fr. Nicanor Austriaco na kaya nang maging Delta variant resilient ng Metro Manila lalo’t nasa 20 hanggang 70% ng populasyon nito ang nabakunahan na.