Posibleng isara na ng ilang bansa sa Europa ang kanilang mga border para sa mga migrant mula Syria, Iraq at Libya.
Kabilang sa mga nagbanta na posibleng magsara ng border ang Bulgaria, Romania at serbia maging ang iba pang miyembro ng European Union na nasa balkan peninsula.
Ito ang inihayag ng mga leader ng mga nasabing bansa sa gitna ng ikinakasang pulong sa pagitan ng Balkan States at E.U. members upang maresolba ang lumalalang migrant crisis.
Sa pagtaya ng international organization for migration, mahigit 27,000 migrante ang dumating sa Greece para tumawid sa mga border ng mga karatig bansa at makarating sa Germany.
By: Drew Nacino