Nabunyag na hindi na umano matunton ngayon ang kinaroroonan ng isang doktor na suspek sa pagpatay kay Retired Court of Appeals o CA Associate Justice Normandie Pizarro noong 2020.
Ayon sa ilang source mula sa Department of Justice, pinadalhan na ng subpoena si Dr. Ramon Pangan sa dalawang address nito sa San Fernando City sa Pampanga.
Ngunit hindi umano matunton ng process servers ng DOJ si Pangan hanggang ngayon.
Matatandaang kinasuhan ng murder si Pangan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation NBI noong Marso at maging ng anak na lalaki ni Pizarro bilang complainants sa kaso.
Lumabas sa imbestigasyon na brutal na pinatay si Justice Pizarro, 7 araw bago siya natagpuang patay noong October 30,2020 sa barangay Lawy, Cristo Rey, Capas, Tarlac. —mula sa ulat ni Patrol 13 Gilbert Perdez sa panulat ni Hyacinth Ludivico