Pabor si Dr. Ted Herbosa, medical expert sa National Task Force against COVID-19 na ipagpatuloy ang COVID-19 test.
Ito ayon kay Herbosa ay bagama’t bumababa ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 subalit nangangahulugan namang mayroon pa ring transmission ng virus.
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na tanging ang paghahanap sa mga positibo sa virus ang paraan para matigil ang transmission ng COVID-19.
Ang curve natin kapag meron ka paring four thousand meron ka pa ring continued transmission, yun ang interpretation , nandoon hindi siya bumababa, hindi siya nag-paflat, hindi siya ganon mataas pero nandoon siya sa kalagitnaan noong sa last year. There is continued transmission, bilib ako doon sa basis na siguro dapat baguhin natin ang positive. When you have continued transmission ang principle continue to test, continue to find out kung sino ang may COVID, para maalis at mahinto ang transmission, ″ pahayag ni Herbosa.