Kulang pa ang paliwanag sa mga senior citizens hinggil sa epekto ng bakuna.
Inamin ito ni Dr. Nina Castillo-Carandang, miyembro ng national immunization technical advisory group kaya’t marami pa rin aniyang senior citizen ang takot magpa bakuna kontra COVID-19.
Kasunod na rin ito ng report na nasa halos 9% lamang ng mga senior citizens ang naka kumpleto ng second dose samantalang target ng gobyerno na maturukan ang mahigit 8.2 milyon sa age category na ito.