Dalawang tulak ng iligal na droga ang patay sa buy-bust operation sa Barangay Mambaling, Cebu City.
Kinilala ng Police Drug Enforcement Group o PDEG ang mga napatay na suspek na sina John Kerlou Pojas at isang alyas “Ryan“.
Ayon kay PDEG Chief, Lt. Col. Regino Maramag, nasabat mula sa dalawa ang mahigit 4 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P30 million at ilang armas.
Inihayag naman ni Police Regional Office 7 Dir., Brig. Gen. Ronnie Montejo na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nagmula ang droga sa isang drug lord sa loob ng New Bilibid Prison, Muntinlupa.
Napag-alaman din anya nila na kapwa hitman ang mga napatay na suspek at ipinadala ang kontrabando sa Visayas sa pamamagitan ng barko. —sa panulat ni Drew Nacino