Pursigido si dating Comelec Chairman Christian Monsod na maghain ng kaso kapag itinuloy ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo bilang vice president sa 2022.
Sinabi ni Monsod na handa niyang pangunahan ang paghahain ng kaso laban sa pagtakbo ng pangulo bilang bise presidente sakaling walang umimik kapag naghain na ito ng certificate of candidacy.
Kukuwestyunin aniya niya ang motibo ng pangulo para tumakbong vice president dahil kitang kita namang nais pa nitong magmando sa bansa.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na tila nakukumbinsi na siyang tumakbong vice president sa 2022 elections matapos ding isulong ng partido nitong PDP-Laban na kumandidato ang pangulo sa pagka-bise presidente.