Nanawagan si Senador Francis Tolentino sa pamunuan ng Foreign Affairs Department na kanilang protektahan ang karapatan ng bawat Overseas Filipino Workers na kanilang mahawakan ang pasaporte oras na magtrabaho sa ibayong dagat.
Ito’y ayon kay Tolentino kaugnay ng mga panukala na amyendahan ang Philippine Passport Act.
Aniya pwedeng gawing iligal ang pagkuha ng mga foreign employers sa pasaporte ng kanilang mga manggagawang OFW’s.
Giit ng senador na habang may bisa ang pasaporte ng ating mga kababayan ay hindi dapat na kunin o kumpiskahin ng mga sinumang foreign o foreign employers.
Kasunod nito, ayon kay Ma. Alnee Gamble, executive director ng Office of Consular Affairs na posibleng ipatupad ang nais ni Tolentino gayundin na maiparating sa mga counterparts nito sa iba’t-ibang mga bansa.