Tinanggap ng pamunuan ng Department of Education (DEPED) ang paghingi ng World Bank (WB) ng paumanhin hinggil sa synthesis report na kanilang inilabas patungkol sa mga nangungulelat na Pinoy students partikular na sa mga asignaturang Math, Science at English.
Sa isang pahayag, sinabi ng DEPED na sa naturang hakbang ng WB ay sana’y malinawan ang publiko sa pangako ng ahensya ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa bansa lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Mababatid na ang synthesis report ay may pamagat na ‘improving student learning outcomes and well-being in the Philippines: what are the international assessments telling us?’
Magugunitang inihayag ni DEPED Secretary Leonor Briones ang pagkadismaya sa naturang report dahil lubhang napahiya aniya ang pinamumunuang kagawaran.