Nanawagan ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) sa mga deactivated voters na muling magparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon.
Sa datos ng Comelec, may tinatayang 7.3 na milyong botante ang deactivated na o hindi na papayagang makaboto sa susunod na taon hangga’t hindi nagpapa-reactivate sa kanilang mga local offices.
Mula sa naturang bilang 600,000 pa lamang ang muling nagparehistro o nagpareactivate ng kanilang mga status.
Kung kaya’t paalala ng Comelec na para hindi na maabala at hindi na makipagsiksikan pa sa pila, magtungo na sa kani-kanilang mga field offices.