Nasa kabuuang 16 milyong doses ng bakuna ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong buwan.
Ito ay ayon Kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chairs ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), mahigit 3 milyon pa lamang ang natatanggap ng bansa sa mga nakalipas na linggo.
Sa naturang bilang, 10.4 milyong doses ng bakuna para sa gobyerno, pitong milyong doses ng bakuna na mula sa Covax Facility habang 2 milyong doses naman ang mula sa bilateral donations.
Ipinabatid pa ni Nograles na maipapamahagi ang mga naturang bakuna sa mga high risk areas sa NCR at iba pang mga lugar sa bansa.
Samantala, sinabi ni Nograles na target mabakunahan ang limampu hanggang pitumpung milyong indibidwal sa bansa para maabot ang target na herd imunity laban sa COVID-19.