Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na magdeklara ng krisis sa edukasyon.
Ayon kay Robredo, ang naturang hakbang ay para matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral pati na rin ang mga guro sa bansa na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Robredo na dapat tumutok ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyon kaysa sa pagiging ‘defensive’ sa lumabas na pag-aaral ng World Bank na 80% ng mga Pilipinong mag-aaral ang mahina sa iilang asignatura.
Sa kabila nito, sinabi ni Robredo na may mga bagay namang ginagawa ang kagawaran ng edukasyon na hindi napabilang sa naturang pag-aaral ng World Bank.
Ang mahalaga ani Robredo sa huli ay magtulungan ang bawat isa para maiangat pa ang estado ng edukasyon sa bansa.