Mariing itinanggi ng Commission on Higher Education na inipit nito ang Smart Campus grant para sa Cagayan State University (CSU).
Paliwanag ni CHED Chair Prospero de Vera III, ang CSU ay hindi kwalipikado dulot ng umano’y unliquidated fund transfers.
Ang paglilinaw ay ginawa ni de Vera matapos ibunyag ni CSU Vice President Ranhilio Aquino sa social media na ang development ng isang Smart Campus ay naipangako na sa kanila ni Commissioner Perfecto Alibin.
Gayunman, inipit umano ang pondo dahil nais ng CHED na i-takeover ang unibersidad na kanila namang tinutulan.
Ngunit binigyang diin ni de Vera na may natuklasan nila may unliquidated fund transfers pa ang CSU kaya’t hindi na ito kwalipikado para sa nasabing grant.