Nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang tinatayang 200 magsasaka at mamamalakaya, gayundin ang 30 dating mga rebelde sa mga mahihirap na komunidad sa Bohol.
Bukod sa mga sapatos at bisikleta, sinabi ni Sen. Bong Go na karamihan sa mga benepisyaryo sa bayan ng Dauis ay nakatanggap din ng food packs, vitamins, face masks at face shields.
Ang mga bata naman ay binigyan ng mga computer tablets para sa kanilang pag-aaral habang ang mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ay nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.