Hinimok ni manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang publiko na huwag suportahan ang political dynasty sa 2022 elections.
Ayon sa bagong talagang bishop ng Taytay, Palawan, Dinodomina ng political dynasty ang local at national politics kung kaya’t mahirap papanagutin ang mga tiwaling opisyal miyembro ng kanilang pamilya.
Iginiit ng obispo na hindi bubuti ang political climate sa bansa kung walang mangyayaring pagbabago rito.
Umaasa naman si Pabillo na magiging kritikal ang mga botante sa pagpili ng mga iboboto sa susunod na halalan. —sa panulat ni Hya Ludivico