Kumporme sina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Lacson sa hakbang ng Commission on Election (Comelec) na simula sa Oktubre ay ikukunsidera ng campaign expenses ang political ad sa social media ng mga kandidato
Ayon kay SP Sotto isa itong magandang hakbang para marendahan ang mga kandidato na may bilyong pisong campaign funds.
Iginiit naman ni Senator Lacson na magiging patas ito para sa mga kandidato na walang malaking pondo na magagamit sa kampanya.
Gayundin, makatutulong ito para hindi makalamang ang mga kandidato ng administrasyon na karaniwang mas may malaking resources sa kampanya.
Paliwanag pa ni Lacson, pagkatapos mag file ng Certificate of Candidacy, magiging official candidate na ang isang kandidato kaya’t maari ng iregulate ng Comelec ang gastos ng mga ito sa political ads sa social media. —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19)