Nakapipinsala na umano sa mga yamang-dagat sa ilang bahagi ng West Philippine Sea ang pagtatapon ng dumi ng tao ng daan-daang chinese vessel na naka-angkla sa pinag-aagawang karagatan.
Ito ang ibinunyag ng Simularity, na nakatutok sa geospatial analysis at provider ng satellite data imagery.
Ayon kay Liz Derr, Founder at CEO ng simularity, araw-araw sa nakalipas na 5 taon ay nagtatapon ng dumi ang mga barko ng China dahilan upang dumami ang Chlorophyll-A, na isang uri ng algae sa tubig.
Makikita anya ang mga nasabing organismo kahit nasa kalawakan at kung hindi kumikilos ang mga barko ay tiyak na nagtatapon ang mga ito na maaaring makasira sa mga bahura at dekada ang aabutin bago mawala.
As of June 17, nasa 230 anyang barko ang namataan sa Union Banks o Pagkakaisa Reefs. —sa panulat ni Drew Nacino