Binalaan ng Department of health ang publiko kaugnay sa mixing at matching ng COVID-19 vaccines at pagtuturok ng booster shots.
Kasunod ito ng pag-amin ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng dalawang turok ng booster shot matapos ang 2 dose ng bakunang sinopharm.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nila inirerekomenda ang booster shot dahil kulang pa ang suplay ng bakuna at hindi pa rin sapat ang ebidensya na nagsasabing epektibo ito kontra COVID.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga health worker na sumunod sa protocols na itinakda ng pamahalaan sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico