Mapapakinabangan ng ilang probinsya sa Visayas at Mindanao ang mahigit tatlong milyong doses ng single shot na Johnson and Johnson vaccine kontra COVID-19.
Tiniyak ito ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. matapos kumpirmahin ang unang supply ng Johnson and Johnson vaccine sa linggong ito at ang ikalawang supply na nasa 14 million doses sa katapusan ng buwan.
Kasabay nito ipinabatid ni Galvez na target nilang mabakunahan sa susunod na buwan ang lahat ng mga guro sakaling maaprubahan ng gobyerno ang pagbabalik ng face-to-face classes.