Wala pang opisyal na posisyon ang Philippine Center for Health Research and Development (PCHRD) hinggil sa booster shots matapos mabakunahan ng dalawang dose ang isang indibidwal.
Ayon ito kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng PCHRD dahil tuluy-tuloy pa ang pag-aaral nila hinggil sa mga benepisyo ng booster shots.
Mayruon din aniyang proseso ang anumang rekomendasyon sa pangangailangan sa booster.