Binatikos ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang Philippine National Police (PNP) dahil sa umano’y ginagawang pagpapa-fill up sa forms ng ilang indibidwal kung saan nakasaad ang detalye sa kanilang social media accounts at grupong kinabibilangan.
Sa social media post ng NUPL, kanilang inihayag na ang hakbang na ito ng PNP ay isa na namang uri ng panghihimasok sa karapatan ng isang indibidwal sa pagiging pribado.
Tila isa aniya pa-simpleng profiling o “intelligence work” ang ginagawa ng PNP.
Una rito, inihayag ng human rights group na karapatan na ang sinasabing form ay ipinapamahagi umano ng kabataan kontra droga at terorismo, isang grupong iniuugnay sa PNP at sinasabing binuo umano ng National Intelligence Coordinating Agency Director Alex Monteagudo, sa Lupi, Camarines Sur.