Hindi pa handa ang National Capital Region (NCR) para sa Modified General Community Quarantine at dapat manatili muna sa General Community Quarantine.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Ranjit Rye, dapat ipagpatuloy ang GCQ sa NCR Plus lalo’t may banta pa ng mga bagong COVID variant gaya ng Delta.
Aminado si Rye na walang naka-aalam kung kailan makakapasok sa bansa ang mas nakahahawa at nakamamatay na mga variant pero maiiwasan naman ito kung marami na ang bakunado.
Dapat na rin anyang bakunahan sa lalong madaling panahon ang hanggang 20% ng populasyon bago luwagan ang quarantine status.
“Ma-vaccinate natin between now and by August at least 20 percent, right I think its below 10 percent na ang fully vaccinated sa NCR, imagine kung 20 percent yan you cant even imagine GCQ for that kasi yun nga yung sinasabin namin the faster and right now we need to do it urgently kasi nga may banta ng Delta yung Delta ho is not an ink na po its not a question of if its a question of when okay thats why we need to be prepared one ang ways to be prepared then one of the ways to be prepared aside from expanding tracing testing and isolation ah in short many people in our communities….. are vaccinated so yun po ang panawagan namin sa OCTA stick to NCR plus plan.” Pahayag ni Dr. Ranjit Rye
—sa panulat ni Drew Nacino