Isa pang batang basketball player ng bansa ang maglalaro sa ibayong dagat professionally.
Ito ang 18-year-old na si Francis “Lebron” Lopez ng Ateneo Blue Eaglets matapos pumirma ng kontrata sa Overtime Elite League (OTE) sa Estados Unidos.
Winelcome naman ni Brandon Williams, OTE head of basketball operations si Lopez.
We’re delighted to have Lebron join the OTE family as we expand our international reach, bringing in top talent from across the globe,” ani Williams
Ayon pa kay Williams, napahanga siya sa passion sa laro at athleticism ni Lopez kung kaya’t binigyan ang Filipino cager ng kontrata.
Francis is a young man who has impressed us with both the combination of pure passion for the game and self-improvement, physical athleticism, work ethic, as well as many leadership intangibles. He’s the kind of player we want and expect to thrive at OTE.” ani Williams
Samantala nagpasalamat si Lopez sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya at gagawing niya ang lahat para makamit ang pangarap niyang maglaro sa NBA.