Inaalam na ng DOH kung sinu-sino ang mga nakakuha ng booster shots kahit pa hindi pa anito inirerekomenda sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nais nilang malaman kung saan galing ang mga nasabing booster shots at kung paano nagkaruon nito sa bansa.
Kaugnay nito binalaan ni Vergeire ang medical workers na mananagot sakaling madiskubreng galing sa government vaccination sites ang mga nasabing booster shots.
Muling ipinaalala ni Vergeire sa publiko na hindi pa inirerekomenda ng doh ang booster shots dahil patuloy pa ang pag-aaral dito.
Una nang umamin si San Juan Congressman Ronaldo Zamora na nabakunahan siya ng apat na beses kung saan dalawa rito ay booster shots mula sa Pfizer.