Hindi magbibigay ng “long -term forecast” ang gobyerno kaugnay sa quarantine classification.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mananatili ang pagdedesisyon ng gobyerno ng community quarantine classification kada buwan dahil alam naman natin aniya na pabago-bago ang pangyayari o sitwasyon dahil sa kinakaharap na pandemya.
Ipinabatid din ni Vergeire na plano ng gobyerno na i-atang na sa mga lokal na pamahalaan kung ano ang dapat na ipatupad na restrictions at community quarantine classifications sa kanilang nasasakupan.
Magugunitang, iminungkahi ng OCTA research na isailalim na ang NCR sa General Community Quarantine hanggang Disyembre.