Napapanahon nang talakaying muli ang umento sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito’y ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo sa harap ng nakatakdang pagtatapos ng 60 araw na price freeze sa Hulyo 9.
Ayon kay Castelo, pinag-aaralan na nila ang hirit ng mga manufacturer na dalawang porsyentong umento sa presyo ng mga prime comodities.
Nangangahulugan ito ng 0.50 hanggang pisong umento partikular na sa mga de latang sardinas.
Kasabay nito, tiniyak ng DTI na iniimbestigahan nila ang mga ulat na may ilang negosyanteng nagsamantalang magtaas ng presyo kahit may price freeze.