Minamadali na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad sa mga naudlot nilang mga proyekto sa ilalim ng AFP Modernization Program.
Ito’y makaraang punahin ng Commission on Audit (COA) sa kanilang ulat na nabigo ang AFP na tapusin ang may 20 proyekto na napaso noong Hunyo 30 ng taong ito.
Inamin ni AFP Public Affairs Office Chief, Navy Captain Jonathan Zata na nadulot ang pagpapatupad sa kanilang mga proyekto dulot na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Idagdag na rin aniya riyan ang ilan pang mga usapin tulad ng lisensya, clearance, site possession gayundin sa mga manufacturer o contractor ng proyekto.
Sinabi pa ni Zata na naghigpit na rin ang AFP sa pagtalima nito sa Government Procurement Reform Act upang hindi na maulit ang pagkakaantala ng mga proyekto.