Tuluyan nang ipinagbawal sa Cavite ang paggamit ng videoke, karaoke at iba pang pampaingay 24 oras.
Alinsunod ito sa utos ni Governor Jonvic Remulla upang matulungan ang mga estudyante na tumutok sa kanilang online classes.
Ayon kay Cavite Provincial Police Director, Col. Marlon Santos, multang P500 sa unang offense, P1,000 sa ikalawang offense o maaaring makulong ang sinumang lalabag sa ordinansa.
Simula July 8 hanggang 13, mahigit 200 residente na ang sinita dahil sa pagbi-videoke. —sa panulat ni Drew Nacino