Pumalo na sa 72 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na protesta at looting sa Johannesburg, South Africa.
Habang nasa mahigit 1,200 katao naman ang naaresto ng mga otoridad.
Maraming negosyo na din ang nasira at pinasok ng mga looters.
Ayon sa ulat, halos isang linggo nang nakikipag-pambuno sa mga pulis ang mga protesters at looters.
Nagsimula ang pagpoprotesta matapos arestuhin si dating South African President Jacob Zuma dahil sa 15-month prison sentence matapos niyang tumangging humarap sa imbestigasyon hinggil sa katiwalian sa panahon ng siyam na taon niyang panunungkulan. –sa panulat ni Hyacinth Ludivico