Posibleng palawigin ang General Community Quarantine sa National Capital Region hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, mayroon kasing indikasyon na posibleng manatili ang pag-iral ng GCQ sa rehiyon.
Ani Padilla, bagama’t ayaw niyang pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aanunsyo, ngunit dahil sa nakikitang indikasyon ay sa malamang mapalawig ang GCQ.
Ngayong araw nakatakdang magtapos ang pag-iral ng GCQ “with some restrictions” sa NCR maging sa Rizal at Bulacan.