Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang napapaulat na pamemeke ng COVID-19 test results.
Ayon kay Eleazar, inatasan na niya ang Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) at Anti-cybercrime Group para pangunahan ang imbestigasyon.
Ani Eleazar, hindi nila ito palalampasin at sinisiguro niyang mananagot kung sinoman ang nasa likod ng pamemekeng ito ng COVID-19 test result.
Kaugnay nito, nananawagan si Eleazar sa publiko na agad i-report sa mga awtoridad sakaling mayroon silang impormasyon kaugnay sa naturang iligal na aktibidad.