Inilabas na ng Malakaniyang ang panibagong quarantine status sa ilang bahagi ng bansa epektibo ngayong araw, Hulyo 16 hanggang Hulyo 31.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila gayundin ang 28 mga lalawigan at lungsod sa buong bansa.
Kabilang dito ay ang Baguio City; Apayao; Santiago City at ang buong lalawigan ng Isabela; Nueva Vizcaya; Quirino; Bulacan; Cavite; Rizal; Quezon; Batangas; Puerto Princesa City; Guimaras; at Negros Occidental.
Gayundin ang Zamboanga Sibugay; Zamboanga City; Zamboanga Del Norte; Davao Oriental; General Santos City; Sultan Kudarat; Sarangani; South Cotabato; Agusan Del Norte; Surigao Del Norte; Agusan Del Sur; Dinagat Islands; Surigao Del Sur at Cotabato City.
Kasunod nito, nakapailalim naman sa GCQ with heightened restrictions ang mga lugar ng Cagayan; Laguna; Lucena City; Naga City; Negros Oriental; Zamboanga Del Sur at Davao City.
Habang ang mga lugar ng Aklan, Antique, Capiz at Bacolod ay isinailalim sa GCQ with heightened restrictions mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 22.
Samantala, isinailalim naman sa modified Enhanced Community Quarantine o (MECQ) mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31 ang mga lugar ng Bataan, Cagayan De Oro City, Davao Occidental, Davao Del Norte, Davao Del Sur at Butuan City.
Habang hanggang Hulyo 22 naman nakapailalim sa MECQ ang buong lalawigan ng Iloilo kabilang na ang Iloilo City.
Ang nalalabing bahagi ng bansa na hindi nabanggit ayon kay Roque ay nakapailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)