Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang ginawang pagsibak ng Ombudsman kay Dating Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Cecilia Rachel Quisumbing dahil umano sa pangmamaltrato nito sa kaniyang mga tauhan.
Batay sa inilabas na desisyon ng High Tribunal, ibinasura nito ang inihaing petisyon ni Quisumbing na kumukuwestyon sa naging pasya ng Ombudsman gayundin sa pagpapatupad nito.
Nanindigan pa ang Korte Suprema na tama ang desisyon ng tanod-bayan na alisin sa puwesto si Quisumbing dahil sa kasong administratibo.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng mga tauhan ni Quisumbing sa CHR sa pamumuno ni Ma. Regina Eugenio na nagbunyag ng mga ginagawang kalokohan ng Dating Commissioner sa kanilang tanggapan. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)