Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon laban sa pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC).
Ayon sa mga mahistrado ng High Tribunal, moot and academic na ang nasabing petisyon dahil hindi na rin naman natuloy ang nasabing proyekto.
Sa ilalim ng nasabing proyekto, magtatayo ng bagong ospital ang POC sa compound ng National Kidney and Transplant Institute sa East Avenue sa Quezon City.
Hinarang ito ng isang grupo ng mga nurse kung saan ay kanilang iginiit na karapatan nilang pigilan ang proyekto bilang taxpayer.
Kung natuloy ang nasabing proyekto, asahan na ang mas mataas na singil sa orthopedic hospital na itinayo para maghatid ng murang serbisyo sa publiko. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)