Isa raw sa dahilan ng pagtaba ng isang tao ang pagpupuyat.
Sa pag-aaral na isinagawa sa University of Arizona, ang kakulangan ng tulog o pagpupuyat ay nagpapataas ng tyansa na maging obese o diabetic ang isang indibidwal.
Ito’y dahil ang pagpupuyat ay nagpa-pataas ng pagkatakam sa mga junk food at pagkain ng disoras ng gabi na kalimitang hindi na nasusunog ng katawan.
Sa kaparehong pag-aaral sa United Kingdom, lumalabas na ang pagpupuyat ay nagreresulta sa pagtaba o paglapad ng bewang.
Ang mga natutulog lamang ng 6 na oras ay nagkakaroon ng dagdag na tatlong sentimetro o higit pa sa kanilang waisline kumpara sa mga tao na 9 na oras ang tulog.
Sa isa pang pag-aaral sa UK, lumalabas na ang mga bata at teenager na kulang ang oras ng tulog ay may mas malaking tyansa na maging obese. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico