Nagtayo ng bike racks sa iba’t ibang istasyon ng LRT-1, LRT-2. MRT 3 at PNR ang railway sector ng DOTR.
Pangungunahan ni Secretary Arthur Tugade bilang pagsuporta sa Active Transportation Program.
Naniniwala si Tugade na malaking tulong ito sa mga nagbibisikleta na mga pasahero.
Libreng magagamit ng mga siklistang pasahero ang naturang bike rack.
Bagama’t inilunsad ang nasabing bike rack, pinaalalahanan ng DOTR ang mga pasahero na siguraduhing ligtas at secure ang kanilang bike, sa pamamagitan ng mga personal at fully secured na mga padlock.