Mariing itinanggi ng China na nagtatapon sila ng dumi ng tao sa West Philippine Sea dahilan para magkaroon ng malaking pagkasira ng coral reefs at marine ecosystems.
Ayon kay Zhao Lijian, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, isa itong malaking biro at kanilang kinokondena ang ginagawang pagbabaluktot ng totoo, paglabag sa professional ethics at pagsisimula ng malisosyong mga ulat ng Estados Unidos.
Lunes nang ilabas ng grupong Simularity ang isang report kung saan nagpakita sila ng satellite images na nagtatapon umano ng mga dumi ng tao ang chinese fishing boats na nakaangkla sa Spratly Island.
Ngunit tinawag itong fake news ng ilang opisyal ng pamahalaan.