Umaaray na ang Department of Science and Technology sa maliit na pondo ng kagawaran para sa Research and Development.
Sa online forum ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., inihayag ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, na wala pa sa benchmark na itinakda ng UNESCO ang pondong nakalaan para sa kagawaran.
Ani Dela Peña, batay sa benchmark ng UNESCO, isang porsyento dapat ng Gross Domestic Product ang nakalaan para sa research and development, ngunit ang sa atin ay mas maliit aniya rito.
Maliit din aniya ang nakukuhang alokasyon ng DOST mula sa General Approriations Act kada taon.
Gayunman tiniyak ng kalihim na sinisikap pa rin ng kagawaran na taasan ang tinatawag na “innovative outputs” o mga sinisimulang proyekto na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.