Naabo ang 15 bahay sa barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang beerhouse at kumalat sa mga katabing bahay . Halos 30 minuto ang itinagal ng sunog na umakyat sa ika apat na alarma.
30 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog at tinatayang P100,000 ang pinsala. Inaalam pa ang dahilan ng naturang sunog.
By: Judith Larino