Ibinunyag ng United Nations o UN na umakyat na sa 75 ang bilang ng mga nasawing bata habang nasa 1k iba pa ang iligal na ikinulong mula nang magkaroon ng kudeta sa Myanmar.
Batay sa report ng UN child rights committee, dahil sa military coup ay nadadamay ang mga menor de edad at lalong nanganganib ang buhay ng mas maraming mamamayan sa gitna ng pandemya.
Kasabay nito, kinondena ng UN ang pagpatay sa mga bata na karamihan ay sinasabing nangyari pa sa loob ng bahay ng mga ito.