Inihalal si Energy Secretary Alfonso Cusi bilang bagong Pangulo ng PDP-Laban kasabay ng isinagawang national assembly kahapon ng hapon.
Kabilang naman sa mga dumalo sa assembly sa Clark, Pampanga si Pangulong Rodrigo Duterte na Chairman ng partido kung saan tuluyang naalis si Sen. Manny Pacquiao bilang party president habang binakante naman ang lahat ng mga posisyon dito.
Kasabay ng oath-taking ceremony ng mga bagong opisyal ng PDP-Laban, binigyang diin ng Pangulong Duterte na suportado niya ang liderato ni Cusi habang minaliit nito ang pagtatangka umano nina Pacquiao at Sen. Koko Pimentel na kontrolin ang partido.
Magugunitang ang ama ni Pimentel na si dating Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. ang nagtatag ng naturang partido.