Umakyat na sa 183 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Western Germany at Belgium.
Maliban sa pag-apaw ng maraming ilog, lumubog din sa baha ang mga gusali habang bumigay naman ang mga kalsada at ilang linya ng kuryente.
Sinasabing ito na ang pinakamalalang kalamidad sa nangyari Germany sa loob ng mahigit kalahating siglo.
Bukod sa mga nasawi, marami ring sugatan at nawawala sa malawakang pagbaha sa mga nasabing bansa sa Europa.