20 ang naitalang patay sa ilang insidente ng pagguho ng lupa at pader dulot ng masamang panahon sa Mumbai, India.
Ayon sa Indian Meteorological Department, halos walang tigil ang pag-ulan sa Mumbai at iba pang kalapit-lugar mula pa noong Sabado.
Samantala, nangako naman si Prime Minister Narendra Modi ng financial compensation para sa mga namatayang pamilya.