Tutol din ang Department of Trade and Industry (DTI) na isailalim sa mas maluwag na “quarantine restriction” ang National Capital Region at mga karatig lalawigan sa Agosto.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sapat na ang General Community Quarantine sa Metro Manila at hindi pa ito kailangang ibaba sa Modified General Community Quarantine dahil sa banta ng Delta variant.
Kuntento naman aniya sila sa takbo ng ekonomiya kung saan pinapayagan na ang lahat ng essential kahit non-essential worker na bumalik sa trabaho.
Samantala, muling umapela sa DTI ang grupong resto.ph na dagdagan ng 20% ang kapasidad ng mga establisimyento kung bakunado na lahat ang staff maging ang mga customer.
Pinaboran naman ng kagawaran ang hirit ng grupo pero hanggang 10% lamang ang idaragdag na kapasidad dahil sa banta ng delta variant.—sa panulat ni Drew Nacino