Tatlo pa ang nadagdag sa bilang ng namatay sa COVID-19 sa Caloocan City.
Mula sa 1,105, umakyat sa 1,108 ang total fatalities sa lungsod, habang 350 ang active cases matapos makapagtala ng labingsyam na bagong kaso.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 38,954 ang covid cases sa caloocan kung saan 37,496 na ang nakarekober.
Siyam naman ang nadagdag na kumpirmadong kaso sa malabon city na mayroong kabuuan 13,678 cases, kabilang ang 78 active cases.
Dagdag 157 active cases naman ang nadagdag sa Navotas matapos magtala ng 15 new cases kaya’t umakyat pa sa 11,231 ang total cases sa lungsod.—sa panulat ni Drew Nacino