Nananatiling matatag ang nickel industry ng bansa matapos tumaas ng 4% sa paglago ng produksyon nito at 22% ng export value kumpara sa year on year data para sa 2019 at 2020 batay na rin sa pinakahuling report ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Ito ayon sa MGB ay sa kabila ng pandemya kung saan ang kabuuang direct shipping ore production ng industriya ay nasa P38. 86 bilyon noong 2020 mas mataas sa P31. 79 bilyon noong 2019.
Nakasaad din sa record ng MGB na sa pagitan ng Enero hanggang Disyembre ng nakalipas na taon ang nickel industry ay nakapag produce ng 27.17 milyong dry metric tonnes ng nickel ore na mas mataas kumpara sa total production noong 2019 na nasa 26.21 milyong dry metric tonnes.