Kinumpirma ni Dr. Ted Herbosa, medical expert sa National Task Force against COVID-19 ang community transmission ng Delta variant sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na maaaring asymptomatic at nakapag-infect lamang ang 11 local cases ng delta variant na nagmula sa ibat ibang rehiyon.
Dahil dito, iginiit ni Herbosa ang mas pinaigting pang contract tracing para hindi na kumalat pa ang delta variant ng coronavirus.
Eleven ay nakita nila sa ating iba’t ibang regions na may mga hotspots , nilista nila iyon pinakita nila ang mga cases na iyon sa ating mga tao, and then binabantayaan natin iyon nagkaroon talaga ng aggressive na contact tracing, hinanap talaga kung saan nagmula iyon. Well of course nanggaling pa rin sila sa parang returning Filipino, nakalusot doon sa tinatawag nating quarantine, siguro asymptomatic sila, hindi sila nakitaan ng mga symptoms pero nakapag-infect pa rin sila, ″wika ni Dr. Ted Herbosa sa panayam ng DWIZ.