Walang komento si Dr. Ted Herbosa, Medical Expert sa National Task Force against COVID-19 sa rekomendasyon ng OCTA research group na ibalik ang NCR plus bubble.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Herbosa na nakikita nila ang downtrend o pababang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bagamat may report ng mga kaso ng delta variant ng coronavirus.
Ang pinakamahalaga ngayon aniya ay pagpapairal ng risk management.
Risk management kasi yung risk nandoon ito nagiging findings natin sa ibang bansa, kagaya ng Metro Manila marami nang nabakunahan, ang nakita nila ay unvaccinated ang nai-infect ng delta. Alam mo naman ang bata, ang 17 years old ang below hindi pa natin isinasama sa ating vaccination programs, adults pa lang ang inaapproved natin kasi nga sa kakulangan ng suplay although marami na tayong nabakunahan sa Metro Manila so medyo parang confident naman ako na if we continue this type of quarantine hindi naman siguro tayo tatamaan nito. Ako mas worry sa ibang region na may delta kasi hindi pa tayo intense sa pagbabakuna sa mga lugar na iyon, inuna natin ang NCR, ″ pahayag ni Dr. Ted Herbosa sa DWIZ.