Inanunsyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagtatalaga kay Navy Capt. Jonathan Zata bilang bago at opisyal na tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan.
Pinalitan ni Zata si Marine M/Gen. Edgard Arevalo na pormal nang nag retiro sa serbisyo noong Sabado, Hulyo 18.
Maliban sa pagiging tagapagsalita sa walong Chiefs of Staff ng AFP, kasamang nilisan ni Arevalo ang pagiging commander ng AFP Education, Training, and Doctrine Command.
Si Zata ang kasalukuyang Public Affairs Office Chief ng AFP at siya na ring magiging opisyal na boses nito sa publiko.—Ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)